EMILY  TAMARKIN
Direktor, Kalihim ng Korporasyon

Lumaki si Emily Tamarkin sa northern Kentucky at nanirahan na rin sa Arizona, Texas, Nevada at California.

Higit sa 30 taon ang karanasan ni Emily sa administrasyon sa pagsuporta sa mga nasa mataas na posisyon ng namamahala na kinabibilangan nang malawak na nasasakupan gaya ng warehouse distribution, international shipping, repair at maintenance facilities, mga kumpanya ng inhinyero, mga kumpanya sa pagbebenta at merkado, at mga hindi-kumikitang kumpanya. Maayos rin niyang pinamamahalaan ang bawat-oras at suwelduhang mga empleyedo mula noong kalagitnaan ng 1970s. Likas na malikhain, napalawak niya ang kanyang galing sa graphic design at desktop publishing para sa kanyang mga pinagtatrabahuhan maging sa pagboboluntaryo ng kanyang sebisyo sa mga pangkawanggang organisasyon at iba pang mga kaganapan. Nakapagplano at nagsagawa na rin siya ng di-mabilang na mga espesyal na kaganapan.

Mga Kasalukuyang Aktibidad

Kasamang nagtatag si Emily ng USCL Corporation na matatagpuan sa Carmichael, California. Isa siyang Direktor sa USCL, na gumaganap bilang Kalihim ng Korporasyon at mayroon ding mahalagang papel na ginagampanan sa araw-araw na administrasyon at pagmemerkadong paggagap ng kumpanya.

Ikinasal ng may 25 taon na sa CEO at Presidente ng USCL na si Tom Tamarkin, hindi magawang lumayo ni Emily nang matagal sa mga gawaing may kinalaman sa pagnenegosyo.

Edukasyon

Nagkolehiyo sa Arizona at Texas, hindi siya nawala sa Dean’s List, at napanatili niya ang 4.0 GPA kasabay ang pagkakaroon ng pamilya at pagtatrabaho ng ilang oras. Nakadalo na siya sa maraming workshop upang mapalawak ang kanyang kaalaman sa administrasyon at graphic design.

 

Bumalik sa home page ng Management Team