TOM D. TAMARKIN
President at CEO

Sinimulan ni G.Tamarkin ang kanyang karera sa debelopment ng teknolohiya at pamamahala ng negosyo noong unang mga taon ng 1970s. Mula 1978 hanggang 1985 itinatag ni Tamarkin ang dalawang matagumpay na kumpanya sa teknolohiya. Ang Mizar Corporation ay naunang nagpasimula ng electronic lighting control para sa mga kasiyahan at eherhiyang pamamahalang negosyo. Ang Texcon Company ay dinebelop at ginawang komersyal ang produktong Allegro Mentor, isang lubhang sopistikadong artifical intelligence based teaching na sistema para sa industriya ng musika.

Noong kalagitnaan ng 1980 umanib si Tamarkin sa kumpanya ng Datamatic sa Dallas, Texas at itinatag ang Advanced Technology Division. Tumaas ang posisyon ni Tamarkin bilang Ehekutibong Bise Presidente at General Manager na may buong P&L na responsibilidad. Ang Datamatic noong panahon na iyon ang isa sa dalawang nag-uumpisang kumpanya sa larangan ng sistema ng pagkuha ng data ng utilidad sa metro kasama na ang Itron Corporation sa Spokane, Washington. Mula 1982 hanggang 1987 Ang Datamatic at Itrib ay kolektibong pinalitan ang bawat Investor Owned Utility at lahat ng pangunahing Munisipyo at Panglalawigang Kooperatiba sa utilidad sa United States mula sa pagsusulat ng nabasang halaga sa metro gamit ang lapis sa kard hanggang sa paggamit ng electronic hand held data terminals.

Nang maglaon iniwan ni Tamarkin ang Datamatic Company upang itatag ang Tamar Corporation. Bilang bahagi ng istratehiya sa merkado ng Tamar Corp, naging kasamang nagsulat at tagalathala si Tamarkin ng The Complete Handbook of AMR na inindorso ng Automatic Meter Reading Association (AMRA) at dinebelop ang produktong SAMREIM (Software for Automatic Meter Reading Economic Impact Modeling.) Nagamit na ang SAMREIM ng daan-daang utilidad sa buong mundo upang matukoy ang kasalukuyang pagbabasa ng singil sa metro at magawang modelo ang singilin sa hinaharap batay sa iba't-ibang paraan ng AMR. Ang Tamar ang unang kompanya sa mundo na nagdebelop ng ubiquitous "Drive By" Automatic Meter Reading na sistema para sa elektrik, gas at tubig na utilidad gamit ang mababa sa kuryenteng 900 MHz, ISM band radio technology dalawang taon bago pa ang pagpapakilala ng Itron Ert and drive na produkto ng AMR. Noong 1991, naging pangunahing tagapagsalita si Tamarkin sa NMRC industriya ng utilidad na nagsimula sa pagpasok ng modernong panahon ng awtomatik na pagbabasa ng metro (ngayo'y Advanced Metering Infrastructure o AMI.)

Simula noong Abril 1995, nagsilbi si Tamarkin bilang Presidente at CEO ng USCL Corporation sa Sacramento, California. Dinebelop ng USCL o Utility Services Customer Link ang produkto ng EMS-2020 bilang tugon sa Krisis sa Enerhiya noong 2001 sa California. Mula noon, nanguna na sa pangdaigdigang pagkilos na magturo sa energy regulators ng pagiging epektibo ng Advanced Metering bilang kasangkapan sa pagpapanatili sa enerhiya at isang kasangkapan na proteksyon sa klima. Direktang responsable si Tamarki sa paglulunsad sa State of California ng Statewide Pricing Project matapos ang CA Senate Bill 1976 na nagtulak sa California Public Utility Commission na palitan ng tatlong pinakamalaking utilidad sa elektrisidad ang higit sa 12 milyong elektronik na metro ng Advanced Metering Infrastructure (AMI) na binubuo ng modernong digital na metro at fixed na sistema ng network bi-directional communications.

Mula noong 2005-2005, direktang responsable rin si Tamarkin para sa pinakamalaking utilidad sa kuryente sa Estado, ang Southern California Edison, upang ibahin ang posisyon nito sa AMI at positibong yakapin ang konsepto ng paglalagay ng 5 milyong metro.

Nagbigay ng testimonya si Tamarkin sa federal at state energy at utility commissions sa buong United States, India, Korea, Israel, at EU. Nagsulat din siya ng mga artikulo sa trade magazine at di-mabilang na white papers ukol sa advanced metering at AMI. Lubos na natulungan ng ginawa ni Tamarkin ang Southern California Edison sa paggagawa ng kasalukuyan nitong ispisipikasyon sa sistema ng AMI at ang pag-oorganisa ng kanilang proseso sa AMI RFI & RFP. Noong 2004, binigyang pagkilala ni California State Governor Arnold Schwarzenegger at Israel Prime Minister Ehud Olmert (Enero 2006) si Tamarkin sa isang seremonya na ginanap sa Tel Aviv, Israel. Si Tamarkin at ang USCL ang isa sa apat na kumpanya sa U.S. na binigyang pagkilala ng kagalang-galang na si Schwarzenegger at Olmert sa seremonya.

Sa pagtagal noong Mayo 2005, si Tamarkin at ang USCL ay naging magkaparehang-isponsor sa unang Annual Real-time Feedback Forum na ginanap sa Toronto, Canada, kasama ang Southern California Edison at pinangunahan ng Electrical Power Research Institute (EPRI.)

Noong Agosto 2006, naging panauhing tagapagsalita si Tamarkin sa West Coast Metering na ginanap sa San Francisco, California kung saan isponsor din ng palabas ang USCL.

Noong Nobyembre 2006 si Tamarkin ang prinsipal na tagapagsalita sa Electricity 2006, Eilat, Israel, tungkol sa Demand Response na isinakatuparan ng advanced metering. Sa At Electricity 2006, bahagi ng panel ng mga bihasa si G. Tamarkin kasama sina Jorge Vasconceelos, Presidente ng EU Energy Commission at G. Emil Koifman, lider ng dibisyon sa metro ng Israel Electric sa Tel Aviv, Israel.

Noong Hunyo 2007, naging nominado si G. Tamarkin para sa ikatlong sunod na isang taong termino bilang Kapitan ng Advanced Metering, Demand Response, at Market-Based Pricing committee ng National Energy Marketers Association, Washington D. C. http://www.energymarketers.com

Madalas na nagiging tagapagsalita at nagbibigay ng presentasyon si G. Tamarkin sa mga kumbensyon sa utilidad, mga pagpupulong ng asosasyon at kumperensya, sa ibang bansa.

Nakatira si G. Tamarkin sa Sacramento, California kasama ang kanyang asawa ng may dalawampu't-limang taon na at anak na lalaking si Jeremy. Maaaring makipag-ugnayan sa kanya sa USCL Corporation, 2433 Garfield Avenue, Carmichael, California 95608, 916-482-2000, tomer@usclcorp.com.

 

Bumalik sa home page ng Management Team